Lunes, Disyembre 29, 2014

Christmas Party Ever

Last December. 21,2014


 First time kong pumunta sa christmas party ng Angelinians :) wala naman talaga akong balak na pumunta in the first place kasi kulang ang pera ko hehehe . Pero mukhang pinapupunta talaga ko ni lord sa party na to. :) thanks na rin kay ate yhelle kasi sya ang pumilit sakin :)



kami ang nauna sa Jay j's Inasal sa kalayaan. 4pm a ata yan kailangan na madaliin kasi 5pm start na . eh 3 lang yung boys namin tapos otw palang kaya ayan kami na lang ang umihip ng balloons, dami naming tawa jan kasi naman yung hawak ko na lobo ang panget ng tunog hahaha kaya hindi namin matapos yung pagblow ng tig isang balloon :D ..




nung pineprepare pa lang namin to kalmado lang ako :) , nakukuha ko pang makipag biruan sa kanila at makapag selfie . yung nasa table mga personal gifts namin kay Angeline Quinto yung nasa ilalim exchange gifts namin worth 150 .. puro bench noh? hehehehe . yung gift ko kay  Angeline Quinto BlueMagic na small bear sya na may nakalagay na ILOVEYOU :) oh diba ang sweet. <3



habang busy ang lahat inannounce ni ate yhelle na may sayaw pala , akala ko meron na talaga yun pala magpapractice pa lang :) hala 30 mins lang ata yung practice namin as in BAHALA NA SI BATMAN ganern !! since first time ko pumunta sumali na rin ako para naman mas maging memorable yung party na to devah :)) .. yung iba naman inaayos yung giveaways , super cool and simple oh diba ang daming color green. #AlamNa



this is it !! hahahaha nung dumating na si  Angeline Quinto natameme na ko hindi ko na alam gagawin ko. (Parang First Time Lang Ayanna ha) :) tapos dumaan pa sya sa harapan ko, S*** talaga :) ang tagal din kasi naming hndi nagkita eh . Sobrang simple lang talaga nya at ang daldal though hindi naman kami kasali sa chika dot com nila hehehe , that time super gutom talaga ko pero nung nasa harap ko na yung food plus si  Angeline Quinto busog na ko hahaha . titig na lang ako sa kanya :) kami ni justin hahaha mga adik lang noh :) .. pinansin nya kami ni justin sabi nya "MAGJOWA KAYO?" hahaha sabi namin hindi ,, ang saya lang kasi napansin kami kahit na may pagdududa XD .. ANG SAYA LANG !





syempre sa xmas party hindi nawawalan ng games .. ayun kaming dalawa na lang natira ni joshua ,, ang kapal talaga ng hairy ko dito hehehe,, stop dance parang mga bagets lang ang peg namin hahahaha ,, syempre ako nanalo, sana nga ang prize sa tabi ni  Angeline Quinto uupo eh hahahaha charot lang.




ang tagal din nyang nagstay :) nakisayaw pa nga sya samin eh, dreaam cme true hahaha,, nahihiya pa sya umalis kasi nga ang saya talaga sabi nya "GUYS GROUP PICTURE NA TAYO" ayun siksikan na sa kanya hahahaha inaamoy amoy ko pa nga yung hair nya eh hahaha ang bango shocks ! di ko madetermine kung anong brand yung shampoo na ginagamit nya XD ..




super kotang kota talaga ko kasi ang dami naming pics together eh ang dami kasing cam at phones hahaha,, super happy talaga :)))))



tapos sabi ko sa kanya "ATE PWEDE PO BA SA CP KO PAPIC TAYO" sabi nya "OO NAMAN" waaaaaahhhhh buti hindi ako nanginig hahahahahahahahahahaha ang saya lang talaga thank you lord !!!! yun nga lang yung 4 na albums na dala ko hindi ko napapirmahan kasi naman kaharap ko na sya nawala na sa isip ko hahahahahaha..


nung umalis na sya ayan nag selfie kaming Angelinians :) uuwing masaya :) Thank You  Angeline Quinto sa priceless moments na ito . Merry Christmas !

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento